moonee-moonee
Tuesday, November 01, 2005
muling dumadampi sa akin ang lamig ng simoy ng hangin.. ika-unang araw ng nobyembre ngayon.. ano'ng ibig sabihin nito? heto na naman ako.. nagmumuni-muni sa harap ng pc. walang magawa buong araw kundi manahimik.. makinig ng musika.. magbasa.. haiii.. ano ba 'to? dumampi sa aking isip ang kahulugan nga araw na ito.. oo nga naman, araw ng mga (oo, alam nyo na.. ayoko nang banggitin pa). naisip ko lang.. bakit ang daming mga nasasabi at lumalabas na balita na may mga nagpapakita at nagpaparamdam na mga spirito? ayon sa mga expert dito, kaya raw ito nangyayare ay dahil sa merong di pa tapos na misyon o may nais ipahatid ang mga ito. marahil di pa handa ang iba sa kanila magpaalam sa mundo o hindi pa nila nasabe ang kanilang mga gustong sabihin.. lalo na sa mga mahal nila sa buhay. pero ako man ay di pa nagkaroon ng karanasan na makakita o makaramdam. salamat nalang, pero ayokong mangyareng maka-encounter kahit isa lang. oo.. may pagka-duwag ako. pero di ko parin masabe kung ako ay maniniwala o hindi sa mga ito. laganap na sa tv ang mga storyang ganyan.. ewan ko ba.. hay nako. wala lang.. biglang sumagi sa isip ko na gawin ito.. bakit kaya? habang ako ay nabubuhay pa, nais ko sanang magbigay ng pasasalamat o humingi ng kapatawaran sa mga taong aking naka-encounter (hindi ko alam kung anong salita ang tamang gamitin *tawa*) habang di pa huli ang lahat. hindi naten alam ang pwedeng mangyare.. (take note: hindi ako suicidal ha? =P ) hindi rin naten masabe ang oras naten.. kagaya nalang kanina.. namatay yung tatay nung churchmate ko sa di inaasahang pangyayare.. na-koryente daw. basta yun yung kwento eh. so ayan.. uumpisahan ko na. di ko na ilalagay yung mga pangalan.. alam nyo na kung sino kayo.
1. may pagka-layo ang agwat ng ating edad pero hindi ito naging hadlang sa ating
pagkakaibigan. di ko inaasahan na magiging malapit tayo sa isa't-isa.. mukhang mahirap ka
lapitan o makausap.. nagsilbi kang insiprasyon ko noon. lagi mo akong pina-ngingiti
sa tuwing kasama kita. ang dami nating memories na di ko malilimutan.. nakakakilig
ang dating noon sakin.. pero ngiti nalang ngayon. oo, nagkagusto ako sayo noon.. higit
2 taon pa yata yung tumagal. tinago ko ang lahat.. ewan ko lang kung halata mo.
salamat sa mga compiments mo. sayo ko una narinig ang mga yun. feel ko special na
special tuloy ako. may message ka pa nga sa inbox ko na di ko pa binubura.. june 2002 pa
yun eh.
2. bestfriend kita nung bata pa tayo sa school.. naging malapit tayo dahil na rin sa magkatrabaho
yung parehong nanay natin. 3 pa tayo noon.. pero nung tumagal ay nawala na yun isa dahil
lumipat na ng school. ang dami nating katatawanan, kantahan, at awayan. tanda mo pa? grabe
tayo mag-usap sa telepono.. umuusok at minsan ay ginagawa pa nating piano. salamat sa mga
alaala.. sa pagtitiwala saakin. miss na kita sobra.. alam kong malayo ang mararating mo..
maganda ka na.. matalino pa. saya diba?
3. malapit kitang kaibigan nung first year hs. katatawanan at iyak ang pinagdaanan natin.
saan ka na ngayon? wala na tayong contact sa isa't-isa kundi ang friendster.. talaga naman o.
salamat sa lahat. sa muling pagkikita.
4. trio tayo nung elementary. dami rin nating napagdaanan. sa lungkot at saya anjan lang kayo.
1st yr tayo nung magkahiwa-hiwalay tayong 3. sa sched ang dahilan.. marahil. ngunit kahit
papano ay di parin natin makalimutang mag-hi sa isa't-isa pag nagkakasalubong. patawad sa
mga pagkakamali ko noon.. ang ugali ko minsan. sana magka-sama-sama ulit tayo. miss ko na
kayo. salamat sa masayang pagkakaibigan ha?
5. hindi maganda ang una nating pag-uusap. ibang-iba ka noon. ngunit nung tumagal ang
panahon ay unti-unti kang nagbago. naging malapit tayong dalawa. masaya ka pala
ka-kwentuhan. halos umusok na ang mga tenga natin sa pag-uusap sa telepono. di man
lang natin namamalayan ang takbo ng oras sa tuwing magkausap tayo. dumating ang mga
araw na nagkikita na tayo ng madalas. normal lang yun sa mga magkakaibigan. ngunit..
isang gabi ay nalaman ko na di lang pala iyon ang nararamdaman mo. oo, gulat ako. ang dami
mong nagawa saaking kabutihan. ang dami mong ginawa na nakakataba ng puso. aminin ko,
kinilig ako sa mga iyon. natural lang yun na maramdaman ng isang babae. salamat nga pala.
hanggang ngayon ay pinapahalagahan ko iyon. binigyan ko ng panahon ang sarili kong
makapag-isip kung ano na nga ba ang mangyayari.. nasa akin ang desisyon. matapos ang ilang
buwan ay nasabi ko rin sa iyo na hanggang pagkakaibigan lamang ang nais ko. masakit sa
parte nating dalawa ngunit kailangang tanggapin ang katotohanan. ngunit dumating rin ang
panahon na di ko na rin kayang ibalik ang nakaraan naming tratohan.. matalik na magkaibigan
nga. di ko maiwasan ang mailang.. patawad. hanggang pagkakaibigan lamang ang kaya
kong ibigay sa ngayon.. di na ang dati. totoo lang ako sa sarili ko. gusto lamang kitang
makitang naka-moveon na. masaya na ko doon. kaibigan mo parin ako, tandaan mo yan
ha. sana ganun parin ako sayo.
6. 7 tayo sa grupo.. masasayahing mga babae sa M1K. salamat sa pagkakaibigan. pamilya ko
nga talaga kayong bago. totoo yung family tree natin.. totoong totoo. patawad pala sa
pagiging moody ko. binabago ko na. mahal ko kayo
7. barkada ko sa SBC.. salamat sa pagkakaibigan. sana mas lalo pang tumibay ang bond nating
lahat. ano, retreat? mahal ko rin kayo.
8. itinuturing kong napakalapit na kaibigan. dahil sayo ay mas nakilala ko ang sarili ko. totoo
yan. napaka-laki ng bahago mo sa libro ng buhay ko.. ilang chapters ka doon. pano ba naman..
sa araw-araw natin nung hs ay ikaw yung lagi kong kasama. ang dami nating napagdaanan.
salamat sa pagtitiwala sa kakayanan ko. salamat sa maraming advices na tumulong saakin.
ang dami kong na-realize tungkol sa sarili ko.. ang dami kong pasasalamat sayo.. ganon na rin
ang pagapatawad. alam mo na ang ibig kong sabihin.. buti naman ay nakaraos na tayo doon.
ang laki na ng pagbabago natin noh? pero sana sa pagbabagong iyon ay mas mapag-tibay
pa natin ang ating pagkakaibigan. blessing ka talaga.. hindi lang saakin kundi sa iba pa.
oo.. wag ka nang magpa-humble pa. *tawa* ipagpatuloy mo yan. naalala ko tuloy nung hs
tayo.. partner kita sa mga bagay. lalo na sa kantahan noon. tanda mo pa? oo.. tumawa ka na.
pero ngayon, ramp model ka na pala ha. galingan mo. nasayo na lahat ng talento. makuntento
ka naman sana. *tawa ulit* salamat sa mga tinuro mong lessons na natutunan mo sa john
robert powers. sobrang applicable. ang galing. *tawa tawa tawa ulit* ayun lang.. napaka-importanteng kaibigan mo rin saakin.. alam mo yan. say,
"whiskey!"
9. kambal ko 'to. matalik kong kaibigan. alam mo na kung bakit pang-number 9 ka dito? ayun..
grade 5 pa nung simulang nag-umpisa ang pagiging magkaibigan natin. noon ay mga bata
pa lamang kaming tumatakbo sa mga sulok ng SBC.. bihira pang makunan ng litrato. ngunit
ibang-iba na nga ngayon.. halos i-magnet ang camera sa sobrang addict dito. *tawa* turingan
namen sa isa't isa'y magkapatid na rin. walang hiya-hiyaan pag dating sa mga bagay. kahit
pasukin namen ang kaguluhan ng kwarto ng isa't-isa'y ayos lang. isang beses pa lang kameng
nag-away.. di pa nga sigurado kung away ba talaga iyon. napaka-babaw.. napaka-simple.
tinawanan nalang namen. salamat sa pagtitiwala.. sa suporta. kahit di tayo gano nagkikita
nitong mga araw, alam parin nating nasa puso natin ang isa't-isa. tandaan mo lang na lagi
akong nandito para sayo. mahal kita, sis.
10. naging malapit kong kaibigan nung hs. parang baby dahil na rin sa siya'y pinakabata sa klase.
nag-away na kame minsan.. patawarin mo ako doon ha. hindi ko sinasadya. mahal na mahal
ko 'to. tandaan mo lang na lagi akong suporta sa mga desisyon mo. malaki ang tiwala ko sayo.
alam kong malayo ang mararating mo.. napakatalinong tao mo.
11. baby ko sa klase ngayong college. anak ko daw sha. parte na ng pamilya ng barkada. salamat
sa lahat-lahat.pasensya na kung minsan ay wala ako sa mood. binabago ko na talaga. ang
daming mga pagsusubok ang dumating na saamin. haaiii.. ang sarap ng pakiramdam nung
sabay nating nalagpasan noh? basta salamat sa lahat. fishy-fishy.
12. masasabi kong isang tapat na kaibigan. malambing at maalagang tao.. salamat sa mga
payo mo saakin lalo na "noon." alam mo na yun.. pasensya na kung minsan ay nasusungitan
kita. salamat sa pagturing saakin bilang isang tunay na kaibigan.. ang sarap pakinggan non.
tama na ang dota ha.. *apir*
13. sayo ko naramdaman ang pagkakaroon ng kuya. salamat sa lahat-lahat. mahal kita bilang
nakatatandang kapatid ko.
14. matalik kayong magkaibigan. kitang kita ko kung paano lumago ang inyong pagsasamahan.
maraming salamat sa kabutihan ninyo saakin. tinuturing ko na rin kayong malapit sa
matalik na kaibigan.. kuha nyo naman ang ibig kong sabihin, diba? mahal ko kayo
15. di ko kayo malilimutan.. hinding-hindi. kayo ang pamilyang babalik at babalikan namen.
kung maaari lang ibalik ang nakaraan sa ating pagsasamahan.. laking tuwa ko na. salamat
sa mga alaalang naiwan ninyo sa akin. salamat sa pagiging pamilya. sana'y magkita-kita
muli tayo. mahal ko kayong lahat.
broke a leg at 4:40 PM